Wednesday, November 15, 2006

Banal na Aso


"Hindi Pagkain ang Aso!"



Matagal tagal na rin akong di gumagawa ng sulating filipino at sa pagkakataong ito minarapat kong isulat sa sariling wika ang lathalaing ito.

Kagabi usapin sa "correspondent" ang tungkol sa mga aso, sa pagkatay at pagkain nito.Oo, ito ang nakaklungkot na katotohanan, na sa kabila ng batas na umiiral sa pagbabawal sa pagkakatay at pagkain ng mga ito ay patuloy itong isinasagawa ang lantad na lihim na ito na madalas ay nagaganap sa bulubundukin ng Mt Province at mga karatig bayan nito. At hindi rin makakaila na maging dito mismo sa siyudad ng kalakhang Maynila, paborito pa ring pulutan ang mga aw aw.

"Sino nga ba ang hayup sa inyong dalawa?"

Lumaki ako sa isang pamilyang mapagmahal sa hayop. Ako ata lahat na ng hayop na pwedeng maalagaan inalagaan ko na - ahas, daga, manok, ibon, pusa at siyempre pa nga ang aso. Sa katanuyan, noong nakaraang Agosto lang ay pagkamatay ng mga tutang alaga ko ang sanhi ng pagpatak ng maramaing luha ko para sa taong ito. Masakit na sa kabila ng lahat, maging hanggang sa huling pamamaraan ng pagsasalin ng dugo sa kanila ng kanilang beterinaryo ay nabigo kaming isalba ang kanilang mga munting buhay.

"Sigh"


Kung kaya't ang usapin tungkol sa kabrutalan ng paraan ng pagkakatay sa mga hayop ito ay sadyang me pitak aking puso. Halos maririnig sa kanilang mga tahol ang pagmamakaawa para sa kanila buhay, lalot na nga bang tayong mga tao ay itinuring nila mga matalik na kaibigan. Nakakalungkot isipin na ang patuloy na inaabusong dahilan ay ang kulturang pinagmulan lalo na nga ba't pilit na tinutukoy ng ilan na ang pagkatay at pagkain sa mga aso at pagsasaalang alang sa kulturang kinagawian mula pa sa mantang panahon ng pagsasagawa ng mga ritwal.

The Reality Is:
Innocence And Unconditional Love Betrayed By People
Who Are Nothing But Soulless Demons From Hell!

Wala akong tutol kung sa layunin ng pagbibigay pugay sa Dakilang Lumikha ang dahilan ng pagkatay, o panalangin sa paghingi ng lunas sa mga karamdaman ng ating mga ninuno tulad na nga ng nakagawain ng mga kapatid na igorot.

Ang hindi ko matatanggap ay ang walang habas na pagkatay ng mga ito para gawing pulutan ng mga taong nais patunayan ang kanilang pagiging lalake o simpleng pagnanais makatikim ng kakaibang putahe kalahok ang pagtagay ng gin o beer.

At wag na wag mong ikakatwirang dahil sa kahirapan kung kaya't mas pinili mong kumain ng aso dahil sa kamahalan ng mga karne ng baboy at baka. Eh hindi nga ba't me salaping pambili ka ng alak na tutunggain mo.

Nakakalungkot na maging ang mga ninunong noong ay pinag alayan ng mga Banal na Asong ito upang mabigyan ng lunas ang kanilang karamdaman ay mahihiya sa kasulukuyang "kultura" ng pagkain ng mga aso. Nakakalungkot isipin na ang noong banal na pamamaraan ay hinaluan na nating kababawan ng pag iisip at pag aalipusta sa ating kasaysayan. Nakakalungkot isipin na tayong mga taong nilikhang mas mataas na nilalang at tagapamahala ng mga buhay na mas nakakangat ang ating pag iisip ay umaaktong tila mas mababa pa ang pag iisip kaysa sa mga hayop na ito.

_____________

Sa ngayon, meron akong bagong alagang aso, si "shifu" (shih tzu breed) at hanggang ngayon naalala ko pa rin yung mga namatay kong aso. Subukan ninyong pagtangkaan ang aso ko!!! Grrrr...




6 comments:

akihisa said...

OH MY GOD!! Pictures really do tell a thousand words. Man's best friend, betrayed by their own master!

Almighty Demiurge said...

very bloodily and frightens pictures

khalel said...

yup this is a sad story. To Think Man is supposed to be above all animals in terms of intellegence.

Sigh...

Joy-Joy said...

kawawa nman ang mga aso... kakalungkot...

mike said...

sad but true in the filipino society.....one my family dog was actually a victim of this brutal crime.

[chocoley] said...

ouch! this animal abuse really sucks i hate ppl torturing and klling animals in this way! those ppl are meant to call true-bloodd ANIMALS!