Monday, May 29, 2006

Tungo sa Gallera



Hear are some of our pictures taken on the way to Puerto Galera.


Friday, May 26, 2006

Tatagal Ka Pa Ba?




Ilang bese na mga ba na lumuha ka?
Ilang bese na nga ba na naiwan kang duguan sa pagpilit na pitasin ang rosas sa parang?
Ilang ulet na nga bang pinilit mong lumaban sa gitna ng dignmaan na sa simula't sapul alam mong hatid at kamatayan?

Basag na ang iyong Ulirat, Durog na ang iyong Kaluluwa.
Sa pagitan ng Langit at Lupa,
Sa gitna ng dinustangpag asa sa Hamog ng Bukang Liwayway,
Di ka ba napapagod?
Me itatagal ka pa ba?

Monday, May 15, 2006

Masilog: Si Braguda at Si Mantra




"Coming Out was Never that Easy."



I came out with my nanay two years ago. At siempre naloka ang lola nyo, and like all other Mother's I know, medyo nadisappoint din sya, "Tumigil ka nga sa mga Kalokohan mong Hayup ka! Di mo na ako binigyan ng kahihiyan!" that was her exact words back then I think. Ganon si Nanay, Brutal... Daig pa ang kilay ni Braguda sa pagatataray.

Needless to say, she silently declared war against my sexual preference.

First Attack: Tugisin ng Sibat si Carlo.

At least not literally, pero carlo and I both feel na mas matindi pa dun ang dinaan namin. Ilang beses kaming naghiwalay dahil dun. Not that I can blame him really, hindi siya out sa Family nya. So naiintindihan ko yung takot nya everytime my mom would their house. (wag na tanuning, ako me kasalanan kaya nalaman ni Braguda ang numero ng bahay nila.) Personally, hirap din ako sa relasyon namin dahil ako yung naiipit sa gitna. Feeling ko ako yung shock absorber ng dalawang puta na parehong ayaw sumuko. (Wag na makialam, blog ko to at kuwento ko to!)

Then, eventually nagkahiwalay na nga kami ni carlo ng landas.

Pasok Mark!

After Carlo si Mark ang naging partner ko. Siyempre ako with all hope na baka maging okay siya ke nanay. Medyo okay naman nung simula, naturally sweet ang dating ng character ni mark but still you can sense yung kanyang pagiging maldita... I've tried na paglapitin sila ng nanay. Pero wala pa ring nangyari. Hay....

Di lang si Carlo at Mark ang naging saksi sa pagiging Braguda ni Nanay. Minsan na ring naging biktima nito ang ate ko at si bunso. Eh putcha talaga! Siyempre nga noh ang pakiramdan ko ng mga panahong iyon, kahit na ba sinasabi niyang tanggap nya ako di ako maniwala kasi inaatake nya lahat ng me kinalaman sa pagiging special ko.

Aba ilang drum din ang niluha ko sa episode ng buhay kong iyon noh!

"Sino na naman yang kasama mo? Bago mo namang boypren?" tanong ng nanay nung unang beses niya makita si Mantra. Of course, nandun yung trademark niyang parang nanlilisik na mata.

"Si Mantra." (siempre naman yung totoong pangalan niya binigay ko sa nanay noh! eh baka lalong maloka yun kung "MANTRA" sinabi kong pangalan.)

"In fairness ha, magaang ang loob ko sa kanya..." she continued. pormal pa rin ang mukha nya.

"Bakit naman?" siyempre ako medyo gusto ng tumambling at mag cartwheel ng 1001 times. Puta! Tama ba ang narinig ko, magaan ang loob ni Braguda ke Mantra!

"Mukha naman kasing mabait, mukhang sa magkakasundo kami nito ngayon." tapos sabay smile ang nanay.

Siempre, smile back na lang din ako. Habang alam ko ang puso ko, gustong mag sirko sa loob ng dibdib ko.

And yes, nagkasundo nga sila.

To Date:
Mula sa dating every weekend na pagtulog ni Mantra sa Bahay, aba eto Isang buong linggo sa bahay natulog ang asawa ko. At feeling ko close nga si Braguda at Mantra.

Magkakasama kaming magsimba yesterday for the Mother's Day celebration, tapos mall kami to death kasam ang kapatid ko at siyempre ang dalawang makukulit na pamangkin ko. Matagal tagal na kaming di nagkakaroon ng ganong lakad, enjoy kaming lahat.

PASINGIT:

Eksena naman yung kapatid ko kahapon, siempre nga Mother's Day kaya treat ko silang dalawa ng nanay the whole day, its nothing fancy really. Mall lang kami paikot ikot, nagtrip sa arcade, kain, tamang shopping ng konti.

We are crossing the other side of the mall, when my sister embraced me amidst the crowds, and with great excitement she said: "Kuya, the best ka talaga. At kahit ano ka pa man, ikaw pa rin ang kuya ko." Then she kissed and thank me.

Ang sarap ng pakiramdam.

AKO NA NGA ATA NGAYON ANG PINAKAMALIGAYANG TAO SA BUONG MUNDO. Bestfriend, Thank you so much! Wala ako masabi ang lakas ko talagha sa iyo! Salamat po!

Friday, May 12, 2006

Masilog: Unang Pagtatagpo





Today, marks my second month relationship with mantra. Shit! dalawang buwan na akong Masaya!



Ordinaryo lang ang kuwento ng una namin pagkikita. Textmate kami for weeks and then we decided to meet up at BO's Cafe sa SM North EDSA. Galing siya ng work nya sa makati, at ako manggagaling pa din sa work. I met him up with kasama si Aian, I was late for an hour I think. Erratic talaga kasi ang sched ko sa partime job ko.


BO's Cafe - SM North EDSA

I arrived in the place and started to look for Aian first, though I think I had a glance of him already - skin head, black shirt with a print "Make Him Beg." that was hid description for me to easily recognize him.

Aian was seated in front of the counter, so gave him a ready nod and scan the place again, this time to look for him. It was him that I so earlier, he throw me back a smile which I openly accepted - ang cute ng gago! I asked aian if we could just transfer to his table. So we did.

After introducing each other and my litany of apologies to both. I grabbed to red iced tea, for me and aian. Nakakadalawang coffee na daw kasi siya bago ako dumating. Toink!

Kami lang atang dalawa ni Aian ang daldal ng daldal buong magdamag na iyon. Medyo nahihiya ata siya, I dont know really. But I would occassionally throw a smile at him and asked him if he is okay. Puta! Na love at first sight ata ako sa mokong na ito. And I was trying not to let it show.

"You like him NOH?" Aian inquisitively asking while Mantra took a step towards the rest room.

"Nope, what makes you say that?" I am faking it.

"Wala lang, you look so excited." he continue.

Aian is a long time "suitor". He would always tells me that he likes and love me. Though I am not really paying attention to it. Dont get me wrong Aian is okay - smart, funny and beautiful as he is. Just cant find this thing in me to fall in love with him. I am settled with a fact that I am caring for him as a dear friend. Besides, medyo I am not comfortable with his sincerity. Parang daming loop holes sa expression nya ng love.

Back to my love Story...

It was almost 12 midnight I think when we all decided to go home, although nag aaya pa si Aian sa Malate, that I rejected kinda feeling so tired na rin. Aian take a cab first, Mantra and I took the Bus home. He is from Valenzuela. Monumento was where we drop off, I told him na wag na bumaba para derecho na siya sa bahay but he insisted na ihahatid nya daw ako sa sakayan ko ng jeep. Ang kulit ng lolo nyo kaya wala na ako magawa.

Something tells me after that night everything will change and it did. We are now celebrating our Two Monthsary! Tulad ng nasa unahan, DALAWANG BUWAN NA AKONG MASAYA AT MUKHANG TUTULOY NA!

Monday, May 08, 2006

MANTRA





Kaluluwa ko'y nahihimbing
Sa payapang duyan ng hangin
Puso ko'y Hinalina
Nang Iyong matinding pagbibigay pansin

Ano pa nga't kaway ng Pag Ibig
Ang dalangin sambit ng mutyang ginigiliw
Sikilin man ay tuluyan ng nilupig
Alok mong Pag Ibig akin nang kinabig

Tanging hiling sa aking mga Panalangin
Itong puso ko'y arugain, noo'y nakabitin sa Bangin
Puso ko'y sadyang mahina
Di na kakayanin kung ikaw mawawala

Sadyang tunay giliw
Pag Ibig ko'y kailanma'y di magmamaliw
At sa matibay na gabay ng Kamay ni Bathala
Yaring Pag Ibig Pupuspusin ng Kalinga

Mahalin ka kailaman ma'y di ako magsasawa
Isasaisip, isasapuso at isasagawa
Yaring mga Pangako sa Langit nagmula
Luha mo'y tutulo lamang dahil sa matinding Tuwa

Hawakan mo Giliw yaring mga kamay
Mga Puso'y ginapos at di na Magwawalay
Hamunin man hanggang sa Kabilang Buhay.