Kung makakaya ko lang na saluhin ang bawat pagpatak ng luha,
Di kailanman ako mabubuhay ng maksarili.
Hayaan mo akong yakapin ang iyong panaghoy sa dilim,
Hayaan mo akong maging kislap sa ilang.
Ako ang magiging lakas mo sa gitna ng iyong kahinaan.
Ako ang hihirang sa iyong mga katanungan.
Puspos man ako ngayon ng pansariling pangamba,
Ligwakin man ako ng pansariling kawalang pag-asa
Gayun pa man di pa susupil sa hamog ng sumpa bumabalot
Sa kaibuturan ng aking kaluluwa.
Pipiliting lumaban, pipiliting kumasa
Isagip lamang ang mga luhang tutulo sa iyong mga mata
Huwag kang mangamba, huwag kang mabalisa
Sariling luha titipuning mag isa
Walang tanging hiling sa gabing madilim
Kundi mapagtanto payapang ngiti mula sa iyo
Sasagipin ko ang iyong puso sa luha ng dusta
Sariling Luha ko’y di mababanaag pa.
Lalaban ako at magpupumiglas pa
Di masusupil tanging dalangin
Yayapusin kita ng pag-asa
Batid ko man aki’y wala na.
No comments:
Post a Comment