Wednesday, February 22, 2006

Kailan Nga Kaya Muli Papatak ang Ulan?

Nagbabadya ang Hangin
Nakapanghihilakbot na lamig
Ang bumabalot sa king pagal na katawan

Whoossshh!

Bigla,
Katahimikan.

Unti unti nilamon ng itim na kumot
Ang bulak ng kalangitan.

Bigla,
Katahimikan.

At mula kung saan
Binasag ng matinding dagumdong
Ang aking taingang bingi ng katahimikan
Guhit ng apoy na paulit ulit winawarat
Ang kumot na pumapailanglang

KATAHIMIKAN.

Mula sa ilang, tnaw ng aking kaluluwa
Mga mumunting sundalong sibat
Nagmamadali, nag uunahan
Sa pagtarak sas aking kaibuturan

Ngahuhumiyaw ang aking kaluluwa
Nagnanais matakasan, hilakbot ng sibat
Walang patumanggang humahamak
Sa pilit binubuong kong katibayan at galak

Batid ng aking talampakan
Din a maiiwanan aking kinaroroonan
Kulapol ng putik ang siyang lumamon
Sa kanyang banal na katuwiran.

WALA na ngang mapaparoonan,
Higit wala na ngang matatakbuhan
Natitirang katatagan,
Aking nalalabing tanggulan.

Patuloy ang mga sibat
Sa kanilang taglay na kahambugan
Pilit ginagapi, pilit sinusuri aking kakayanan
Dilat matang aking pilit na hinaharang.

KATAHIMIKAN.

Tila nagsawa sa kanilang pakay
Unti unting umatras sa kanilang pinagmulan
Mga sundalong sibat,
Pinukaw ng kislap na siya ring gumapi
Sa balat ng kadiliman.

Hilakbot ng hangin mandi’y bumanayad,
Taglay ngayon ay di malirip na katahimikan.

KAPAYAPAAN.
Panibagong lakas, biyayang tinanggap
Sa Dakilang Liwanang na aking Inakap.
Aking Kaluluwa’y higit na lumakas
Pagkatapos ng bayo’t hagupit
Dala ng pakikipag sapalaran.

KAILAN KAYA MULI PAPATAK ANG ULAN?

No comments: