"Coming Out was Never that Easy."
I came out with my nanay two years ago. At siempre naloka ang lola nyo, and like all other Mother's I know, medyo nadisappoint din sya, "Tumigil ka nga sa mga Kalokohan mong Hayup ka! Di mo na ako binigyan ng kahihiyan!" that was her exact words back then I think. Ganon si Nanay, Brutal... Daig pa ang kilay ni Braguda sa pagatataray.
Needless to say, she silently declared war against my sexual preference.
First Attack: Tugisin ng Sibat si Carlo.
At least not literally, pero carlo and I both feel na mas matindi pa dun ang dinaan namin. Ilang beses kaming naghiwalay dahil dun. Not that I can blame him really, hindi siya out sa Family nya. So naiintindihan ko yung takot nya everytime my mom would their house. (wag na tanuning, ako me kasalanan kaya nalaman ni Braguda ang numero ng bahay nila.) Personally, hirap din ako sa relasyon namin dahil ako yung naiipit sa gitna. Feeling ko ako yung shock absorber ng dalawang puta na parehong ayaw sumuko. (Wag na makialam, blog ko to at kuwento ko to!)
Then, eventually nagkahiwalay na nga kami ni carlo ng landas.
Pasok Mark!
After Carlo si Mark ang naging partner ko. Siyempre ako with all hope na baka maging okay siya ke nanay. Medyo okay naman nung simula, naturally sweet ang dating ng character ni mark but still you can sense yung kanyang pagiging maldita... I've tried na paglapitin sila ng nanay. Pero wala pa ring nangyari. Hay....
Di lang si Carlo at Mark ang naging saksi sa pagiging Braguda ni Nanay. Minsan na ring naging biktima nito ang ate ko at si bunso. Eh putcha talaga! Siyempre nga noh ang pakiramdan ko ng mga panahong iyon, kahit na ba sinasabi niyang tanggap nya ako di ako maniwala kasi inaatake nya lahat ng me kinalaman sa pagiging special ko.
Aba ilang drum din ang niluha ko sa episode ng buhay kong iyon noh!
"Sino na naman yang kasama mo? Bago mo namang boypren?" tanong ng nanay nung unang beses niya makita si Mantra. Of course, nandun yung trademark niyang parang nanlilisik na mata.
"Si Mantra." (siempre naman yung totoong pangalan niya binigay ko sa nanay noh! eh baka lalong maloka yun kung "MANTRA" sinabi kong pangalan.)
"In fairness ha, magaang ang loob ko sa kanya..." she continued. pormal pa rin ang mukha nya.
"Bakit naman?" siyempre ako medyo gusto ng tumambling at mag cartwheel ng 1001 times. Puta! Tama ba ang narinig ko, magaan ang loob ni Braguda ke Mantra!
"Mukha naman kasing mabait, mukhang sa magkakasundo kami nito ngayon." tapos sabay smile ang nanay.
Siempre, smile back na lang din ako. Habang alam ko ang puso ko, gustong mag sirko sa loob ng dibdib ko.
And yes, nagkasundo nga sila.
To Date:
Mula sa dating every weekend na pagtulog ni Mantra sa Bahay, aba eto Isang buong linggo sa bahay natulog ang asawa ko. At feeling ko close nga si Braguda at Mantra.
Magkakasama kaming magsimba yesterday for the Mother's Day celebration, tapos mall kami to death kasam ang kapatid ko at siyempre ang dalawang makukulit na pamangkin ko. Matagal tagal na kaming di nagkakaroon ng ganong lakad, enjoy kaming lahat.
PASINGIT:
Eksena naman yung kapatid ko kahapon, siempre nga Mother's Day kaya treat ko silang dalawa ng nanay the whole day, its nothing fancy really. Mall lang kami paikot ikot, nagtrip sa arcade, kain, tamang shopping ng konti.
We are crossing the other side of the mall, when my sister embraced me amidst the crowds, and with great excitement she said: "Kuya, the best ka talaga. At kahit ano ka pa man, ikaw pa rin ang kuya ko." Then she kissed and thank me.
Ang sarap ng pakiramdam.
AKO NA NGA ATA NGAYON ANG PINAKAMALIGAYANG TAO SA BUONG MUNDO. Bestfriend, Thank you so much! Wala ako masabi ang lakas ko talagha sa iyo! Salamat po!
No comments:
Post a Comment