Monday, May 08, 2006

MANTRA





Kaluluwa ko'y nahihimbing
Sa payapang duyan ng hangin
Puso ko'y Hinalina
Nang Iyong matinding pagbibigay pansin

Ano pa nga't kaway ng Pag Ibig
Ang dalangin sambit ng mutyang ginigiliw
Sikilin man ay tuluyan ng nilupig
Alok mong Pag Ibig akin nang kinabig

Tanging hiling sa aking mga Panalangin
Itong puso ko'y arugain, noo'y nakabitin sa Bangin
Puso ko'y sadyang mahina
Di na kakayanin kung ikaw mawawala

Sadyang tunay giliw
Pag Ibig ko'y kailanma'y di magmamaliw
At sa matibay na gabay ng Kamay ni Bathala
Yaring Pag Ibig Pupuspusin ng Kalinga

Mahalin ka kailaman ma'y di ako magsasawa
Isasaisip, isasapuso at isasagawa
Yaring mga Pangako sa Langit nagmula
Luha mo'y tutulo lamang dahil sa matinding Tuwa

Hawakan mo Giliw yaring mga kamay
Mga Puso'y ginapos at di na Magwawalay
Hamunin man hanggang sa Kabilang Buhay.

No comments: