Sa balintataw ng kinahapunan at sa gitna ng aking paghinga isang pamilyar na alaala ang pilit na nagsusumiksik sa sulok ng aking gunita.
Binalot muli ako ng lungkot at kawalang pag asa, marapat na batid nuon pa man isang supot ng kalungkutan na ang pumipigil sa aking hininga makaalpas tungo sa liwanag na aking inaasam.
Isang katotohanang ako lang nakakaalam.
Hindi ako ang kilalang mong sino ako. Wala ako sa katinuan. Wala ako sa aking sarili.
Hindi ako ang kinikilala mong lalaking nakayapak sa lupang inaakala mong yumayabag at bumabasag sa iyong pandinig.
Matagal na akong patay. Matalgal na akong nabubulok.
Inuuod na ang aking kaluluwa. Unti Unti na nilalamon ang aking mga natitirang pag asa.
Sa bawat luha.
Sa bawat mumunting pintig ng pusong naghihingalo.
Sa bawat gunita na unti unting naglalaho.
Sa takot at hilakbot isang araw hindi ko na maalala maging ang aking sarili.
Wala akong magawa... Hahayaan kong maniwala ka sa isang bagay na inaakala mong ako.
Hahayaan kong titigan mo ang aking katawan balot ng kakaibang lakas na di matatawaran.
Inuulit ko sa yo, hindi ako ang nakikita mo.
Manapat aasahan ko isang araw... sa isang dapit hapon makikita mo ako.
Sa gitna ng parang... naghihintay upang makilala mo ang tunay na ako.
Hihintayin kita sa Dapit Hapon kung saan tayo magsisimula muli.
1 comment:
Hi thanks for sharing thhis
Post a Comment