Sa gitna ng mga pag aalinglangan,
Ng mga pangakong abot sukdulan,
Damhin mo sa Gitna ng bawat sigalot
At pag aalimpuyong kasukalan
Ang mga pagsintang payak at bayad.
Ang mga luha ko’y tutulo para sa iyo,
Puso ko’y tatagusan ng patay na dugo,
Puspos man ng pighati at dusta
Aawit pa rin ng isang tunay na pagsinta.
Bigyan kirot mo man ang mga dalangin,
Tagos sa laman at sa damdamin,
Pagdaramdam ko’y di mo mababatid,
Sasaluhing pilit iyong mga hagupit.
Wala ngang katulad taglay mong ganda,
Pangako mong kaligayahan at saya
Sadyang tunay di mahahanap sa iba
Dala man nito’y hapding rurok kakaiba.
Bigyang liwanag aking mga mata
Sa tunay na pagsintang
Ikaw lang ang may dala
Pikit matang aakapin
Yaong taglay na mga tinik
Batid ng aking kaluluwa,
Kung masugpungang tunay
Hatid mo’y walang hanggang ligaya.
O Pag Ibig, sadyang puno ka ng Hiwaga
Mga kaway mo’y tila liwanag ng buwan
Tanglaw sa mundong sakal ng dilim,
Manapat bigyang laya yaring aking puso
Bilanggo ng mga takot at pangamba,
Ipagkaloob mong tunay payapang tibok
Puspusing luwalhati ang kanyang himig
Sisinghap singhap, basag.